BAGONG WATER INTERRUPTION SIMULA HUNYO 22

igib11

(NI DAHLIA S. ANIN)

NAGLABAS na ng panibagong iskedyul ng water interruption ang mga water providers ngayong araw.

Ayon sa Facebook post ng Maynilad, babawasan ng National Water Resources Board (NWRB) ang kanilang alokasyon ng raw water mula sa Angat Dam simula sa Hunyo 22. Dahil dito, magpapatupad ng bagong rotational water service interruption sa kanilang nasasakupan upang masigurado na makagagamit lahat ang kanilang mga kostumer ng tubig araw-araw kahit na limitado lang ang suplay nito.

Ilang barangay sa Imus Cavite ang pinakaapektado ng water interruption tulad ng Barangay Anabu I-C hanggang Anabu I-F, Anabu II-A- Anabu II-F, Malagasang I-D- Malgasang I-G at Malagasang II-A- Malagsang II-B, mawawalan sila ng tubig mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-3 ng madaling araw sa susunod na araw.

Ilang barangay din ang mawawalan ng tubig na aabot sa 15 oras.

Ang Manila Water naman na siyang tagasuplay sa Silangangang bahagi ng Metro Manila ay naglabas na din ng bagong skedyul simula Hunyo 22, at ilan sa lugar dito ay mawawalan ng tubig sa loob ng 21 oras.

Nakatakda daw bawasan ng NWRB ang alokasyon ng MWSS ng 36 cubic meters per second mula sa dating 40 cubic meters per second, ayon sa Manila Water.

Umaapela ang mga water concessionaire sa kanilang mga kostumer ng pang unawa at pasensya.

279

Related posts

Leave a Comment