BAHA, BLACKOUT, BAKWIT

usman500

(NI JET D. ANTOLIN)

TATLO katao na ang iniulat na namatay sa pananalasa ng bagyong ‘Usman’ na nagdulot ng malakas na ulan sa magdamag sa region 5 at 8. Patuloy ang pagbaha, kawalan ng kuryente, hindi madaanang kalsada at pag-bakwit ng mga pamilya doon sa kabila ng pagbaba ng weather status ni ‘Usman’.  Naging low pressure area (LPA) na lamang ang bagyo ilang oras matapos maglandfall ang mata nito sa Eastern Samar.

Patay ang mag-anak – mag-asawa at anak – sa Barangay San Francisco, Legazpi City, Sabado ng alas-2 ng madaling araw sa landslide.

Ilang bayan sa region 8 ang apektado ng mga pagbaha at walang kuryente, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Sinabi ni spokesperson Edgar Posadas na kabilang ang mga sumusunod na syudad at munisipalidad sa Eastern Visayas ang niraragasa ng baha ngayon: Lope de Vega, Catarman, at San Roque sa Northern Samar; Calbayog City at San Jorge sa Samar. Hindi rin madaanan ng sasakyan ang : Catarman-Calbayog Road; Lope de Vega Road; Catarman Diversion Road; Borongan Road; Calbayog Road. Wala namang kuryente sa  Almagro, Sto. Niño, at Libucan in Samar; Batag, Biri, at San Antonio, Northern Samar.

Umaabot na rin sa 73 pamilya ang pinalikas sa Northern Samar dahil sa bagyong ‘Usman’, ayon sa Office of Civil Defense (OCD). Sinabi pa na tuluy-tuloy ang rescue operation sa mga pamilyang na-stranded na sa kani-kanilang bahay dahil sa patuloy na pagtaas ng tubig. Nasa 1,666 residente naman sa Bicol region ang inilikas dahil sa baha.

7

Related posts

Leave a Comment