BAHAY-BAHAY NA BAKUNA VS TIGDAS PINAPLANO

bakuna7

(NI BERNARD TAGUINOD)

IMINUNGKAHI i ng isang mambabatas sa Kamara sa Department of Health (DoH) na magbahay-bahay para sa bakuna ng mga bata sa tigdas upang mapigilan na ang pagdami ng mga nanamatay sa sakit na ito na puwede namang maiwasan.

Ginawa ni Albay Rep. Edcel Lagman ang nasabing pahayag dahil nakakaalarma na umano ang casualties sa tigdas kahit may panlaban dito at maiwasan ang pagkamatay ng mga bata.

Ayon kay Lagman, mula Enero hanggang Nobyembre 2018 ay umabot umano sa 164 ang namatay sa measles o tigdas at nadagdagan pa ito ng 7 casualties mula noong Enero.

Isa sa mga sinisisi kung bakit natakot ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak ay dahil sa Dengvaxia subalit hindi ito matanggap ni Lagman dahil nagkukulang din umano ang Department of Health (DOH) sa kanilang tungkulin.

“We are scoring the DOH for not addressing this attitude. There should be solid and massive campaign for people to accept the efficacy of vaccine,” ani Lagman.

Nakarating din sa mambabatas ang isang tweet umano ni Public Attorney’s Office (PAO) chief Persida Acosta na isa sa mga sinisisi sa pagkatakot ng mga tao sa bakuna “ay walang panahon umano ang mga magulang na pumunta sa mga center”.

“I don’t think thats acceptable reason. Because If parents or mothers can not bring their children to the center for vaccination then people from the center should go to the homes to make the vaccination,” ani Lagman.

Sinabi naman ni Akbayan party-list Rep. Tom Villarin na dapat itigil na ni Acosta ang pagsawsaw sa isyu ng siyensya at medisina dahil hindi naman niya ito forte ng opisyal at nang maibalik na ang tiwala ng publiko sa bakuna.

 

306

Related posts

Leave a Comment