BAN KI-MOON SA SENADO

BUMISITA nitong Martes si dating United Nations Secretary General Ban Ki-Moon sa Senado.

Sa pamamagitan ng isang resolusyon, kinilala ng mga senador ang pandaigdigang kontribusyon ni Ban sa pangangalaga sa kalikasan, peacekeeping efforts at sustainable development.

Bilang sponsor ng Senate Resolution 929, si Senate President Pro Tempore Loren Legarda ang nanguna sa pagkilala sa mga naitulong ni Ban sa iba’t ibang bansa sa loob ng sampung taon niyang panunungkulan bilang UN sec gen.

Inalala rin ni Legarda ang pagbisita ni Ban sa Tacloban City noong 2013 matapos ang Typhoon Yolanda.

Dumalo sa Senate session si Ban Ki-Moon kasama ang kanyang maybahay at iba pang Korean dignitaries, gayundin si Foreign Secretary Enrique Manalo.

(DANNY BACOLOD)

184

Related posts

Leave a Comment