BANTA NI DU30 SA PAPATOL SA IMPEACHMENT: KULONG KAYO!

duterte44

(NI BETH JULIAN)

“SUBUKAN n’yo, ipakukulong ko kayong lahat!

Ito ang matapang na hamon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mga kritiko na nagbabantang maghahain ng impeachment complaint laban sa kanya bunsod ng pagpayag niya na makapangisda ang mga Tsino sa Exclusive Economic Zone (EEZ) sa West Philippine Sea.

Ayon sa Pangulo, hindi niya aatrasan ang mga kritiko niyang gustong magpa-impeach sa kanya.

“Impeach ako? Kulungin ko sila lahat,” wika ng Pangulo.

Sinabi ng Pangulo na tiyak na may kalalagyan ang mga maglalakas-loob na maghain ng reklamo laban sa kanya.

“Takutin nyo ako ng impeachment. put…na. Kung may bayag kayo do it! Ipadadala ko kayo sa Beijng,” dagdag pa ng Pangulo.

Iginiit ng Pangulo na hindi niya maaaring ipahamak ang mga sundalo at papuntahin sa West Philippine Sea para makipag-giyera sa China.

“Sabihin ko sa mga sundalo, ipadala ko kayo doon, eh paano ang pamilya nito, put… na… tapos maubos,” pahayag pa ng  Pangulo.

Matatandaan na nauna nang sinabi ni dating Foreign Affairs secretary Albert del Rosario na impeachable offense ang ginawa ng Pangulo sa pagpayag sa China na makapangisda sa karagatang sakop ng Pilipinas dahil hindi nito naprotektahan ang soberenya ng Pilipinas.

168

Related posts

Leave a Comment