(NI ABBY MENDOZA) AGAD binuweltahan ni Muntinlupa City Rep. Ruffy Biazon ang mga opisyal na ginagawang katatawanan ang isyu sa Exclusive Economic Zone (EEZ) sa West Philippine Sea. Ayon kay Biazon, lalong malilito ang taumbayan at mabibiktima ng misinformation dahil sa mga birong gaya nito. Ang puna ay ginawa ni Biazon kasunod ng pahayag ni Senate President Tito Sotto na mahirap sabihing exclusive lamang para sa Pilipinas ang lugar dahil maaaring mula sa China ang mga isdang naririto. Sa halip umano na magbitaw ng salita ay dapat umanong maging maingat…
Read MoreTag: eez
BANTA SA IMPEACHMENT; DU30 ‘DEADMA’ SA KONSTITUSYON
(NI BERNARD TAGUINOD) TULUYAN nang nailantad na wala talagang respeto si Pangulong Rodrigo Duterte sa Konstitusyon para sa interes ng China matapos magbanta na ipakukulong sa mga miyembro ng Kongreso kapag in-impeach siya dahil sa usapin sa West Philippine Sea. Ito ang pahayag ni Magdalo party-list Rep. Gary Alejano kaugnay ng banta ni Duterte lalo na’t alam umano nito na “culpable violation of the Constitution” ang pagpayag nito na mangisda ang mga Chinese sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas sa West Philippine Sea. “His threats against possible moves of impeaching…
Read MoreBANTA NI DU30 SA PAPATOL SA IMPEACHMENT: KULONG KAYO!
(NI BETH JULIAN) “SUBUKAN n’yo, ipakukulong ko kayong lahat! Ito ang matapang na hamon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mga kritiko na nagbabantang maghahain ng impeachment complaint laban sa kanya bunsod ng pagpayag niya na makapangisda ang mga Tsino sa Exclusive Economic Zone (EEZ) sa West Philippine Sea. Ayon sa Pangulo, hindi niya aatrasan ang mga kritiko niyang gustong magpa-impeach sa kanya. “Impeach ako? Kulungin ko sila lahat,” wika ng Pangulo. Sinabi ng Pangulo na tiyak na may kalalagyan ang mga maglalakas-loob na maghain ng reklamo laban sa kanya.…
Read MoreFISHING DEAL NINA DU30, JINPING NASAAN?
(NI BERNARD TAGUINOD) KAILANGANG ilantad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dokumento hinggil sa fishing agreement nilang dalawa ni Chinese President Xi Jinping upang mabusisi at malaman kung naibenta na ang Pilipinas o hindi. Ginawa nina Bayan Muna party-list Rep. Ferdie Gaite at Carlos Zarate ang hamon matapos sabihin ni Duterte na kaya pinapayagan nito ang mga Chinese na mangisda sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas ay dahil bahagi ito ng fishing agreement nilang dalawa ng Chinese President upang payagan ang mga mangingisdang Filipino na mangisda sa Scarborough Shaol. “Baka…
Read MorePDU30, Xi MAY KASUNDUAN SA WPS ISSUE – PALASYO
(NI BETH JULIAN) MAYROON nang kasunduang pinasok si Pangulong Rodrigo Duterte kay Chinese President Xi Jinping sa isyu ng West Philippine Sea. Ayon sa Pangulo, nag-usap na sila ni Xi na magbigayan sa karagatan at ito ang dahilan kaya pinapayagan niya ang mga Tsino na makapangisda sa Exclusive Economic Zone (EEZ). Dahil dito, sinabi ni dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario na kung hindi ipagtatanggol ng Pangulo ang EEZ tulad ng nakasaad sa Saligang Batas ay maaari siyang maharap sa impeachment. Sinabi naman ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na…
Read MorePANGINGISDA NG CHINA SA EEZ NILINAW NI PANELO
(NI BETH JULIAN) MAY bagong paglilinaw ang Malacanang kaugnay sa pahayag nito sa pangingisda ng mga Tsino sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas. Sa pahayag ni Presidential spokesperson Salvador Panelo, matapos niyang panoorin ang interview ni Pangulong Rodrigo Duterte at basahin ang transcript nito, lumalabas na ang ibig sabihin nito ay hindi papayagan ng China na mangisda ang kanilang mga mamamayan sa EEZ sa Pilipinas dahil itinuturing nila ang mga Filipino na kaibigan. Sinabi pa ni Panelo na alam din ng China na kapag ito ay nangyari, magdudulot lang…
Read More