WELCOME development kung magpapasa ang Kongreso ng batas para gawing mandatory o sapilitan ang pagbabakuna laban sa COVID-19.
Reaksyon ito ni Health Secretary Francisco Duque III sa gitna ng mababang bilang ng mga Pilipinong nagpapabakuna laban sa coronavirus at milyong vaccine doses na nakatakdang mag-expire sa susunod na mga buwan.
Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Martes ng gabi, sinabi ni Duque na ginawa na ng pamahalaan ang lahat ng paraan para bakunahan ang mga Pilipino.
Inamin ni Duque na ang mandato na ito ay “very controversial” subalit umaasa na maiintindihan ng publiko ang sitwasyon ng COVID-19 sa bansa.
Samantala, hiniling ni Duque sa mga kandidato na isama sa kanilang plataporma ang kahalagahan ng pagpapabakuna laban sa COVID-19. (CHRISTIAN DALE)
139