BIR KINALAMPAG SA KAPOS NA P104-B TAX COLLECTION

bir18

(NI BERNARD TAGUINOD)

PINAGPAPALIWANAG ng House committee on ways and means ang Bureau of Internal Revenue (BIR) dahil mistulang kakapusin ang mga ito ng P104 bilyon sa kanilang tax collection.

Ito ang nabatid kay Albay Rep. Joey Salceda matapos matuklasan na noong Oktubre ay umaabot pa lamang sa P1.7 Trillion ang kanilang koleksyon mula sa kanilang target na P2.32 Trillion.

Dismayado si Salceda dahil kahit umiiral na ang Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law ay hindi pa rin makolekta ng BIR ang kanilang target na buwis.

“The Committee requested the BIR to furnish the Committee a breakdown of revenue collection per tax type, as compared to the specific target set by the DBCC (Development Budget Coordinating Committee),” ani Salceda.

Unang sinisi ng BIR ang kanilang kabiguan sa P55 Billion na nawalang kita sa fuel excise tax dahil halos 100% umano sa mga petroleum product sa Pilipinas na inaangkat ng Shell at Petron ay mga finish product at hindi na nare-refine ang mga ito sa Pilipinas.

Pinagpapaliwanag din ng mambabatas ang BIR kung ano ang nangyari sa pagpapatupad sa TRAIN law kung saan tinaasan ang excise tax ng mga matatamis na inumin at iba pa.

“The Committee requested the BIR to disaggregate its collection data to trace the revenue gain due to tax administration reform initiatives,” ani Salceda at kinalmpag din nito ang ahesya sa kampanya para makolekta ang nararapat na buwis sa mga operators ng Philippine Offshore Gaming Corporation (Pagcor).

162

Related posts

Leave a Comment