CLAUDINE INALALA ANG AMA SA 40TH DAY NG PAGPANAW NITO

(NI BEN BAÑARES)

SA kanyang Instagram account, nag-post si Claudine Barretto ng larawan nila ng kanyang yumaong ama na si Miguel Barretto para sa 40th day nito.

Sabi sa caption ng naturang larawan: “Dad my worst nightmare came true, I lost you.”

Dagdag pa niya, “Slowly it’s been sinking in that you really are not without [sic] us anymore. I cannot explain the pain and emptiness I’m feeling.”

Sa isa pang post, nag-share naman si Claudine ng isang tula na may pamagat ng “Dad” kung saan sinabi niya na siya ay “depressed lately but still standing.”

“Miss you daddy, visit me in my dreams,” aniya.

Ang pinakahuli sa sunud-sunod na posts niya ay isang video kung saan makikita ang daddy niya at ang daughter niya. May caption itong: “The kids miss you terribly dad.”

Sa isang post, nag-comment si Gretchen, eldest sister ni Claudine, ng: “I love you always.”

TAYLOR SWIFT BREAKS MICHAEL JACKSON’S RECORD!

Grabe. Napanood n’yo ba?

Sa 2019 American Music Awards na ginanap noong Linggo (Lunes dito sa Pilipinas), ang singer-songwriter na si Taylor Swift ay humakot ng pinakamaraming awards.

A total of six – yes, SIX – awards ang nasungkit ng 29-year-old artist, including the top award na Artist of the Year. Tinalo niya sina Drake, Ariana Grande, Halsey, at Post Malone.

At hindi lang artist of the year ang nasungkit niya. Pati rin ang Artist of the Decade award! At nagawa niya ‘yan bago pa man siya mag-30!

The other four awards she got that night are: Favorite Female Artist, Favorite Adult Contemporary Artist, Favorite Pop/Rock Album for her latest album Lover, at Favorite Music Video for “You Need To Calm Down.”

Dahil dito, may 28 total AMA awards na siya (29 kung isasama mo ang Artist of the Decade award), at nalampasan na niya ang record na matagal na hawak ng yumaong King of Pop na si Michael Jackson na 24 awards. At siguradong madaragdagan pa ito sa mga susunod na taon.

And take note: No less than the legendary Carole King ang nag-introduce kay Taylor.

Sa speech ni Taylor, sinabi niyang, “All that matters to me is the memories that I have had with you guys, with you the fans, over the years,”

Bago ang awards night, nagkaroon ng gusot sa pagitan ni Taylor at ang dating record company niya na nagmamay-ari ng master recordings ng first six albums niya (last year ay lumipat siya sa bagong record label). Sabi ni Taylor, hindi raw siya pinayagang kantahin sa awards night ang mga kanta niya! Dahil ito, inudyukan niya ang 122 million Instagram fans niya na ipaalam sa record executive “how you feel about this.”

Sunod kay Taylor, ang pinakamaraming naiuwing awards ay sina Khalid at BTS na may tigatlong awards.

May tigalawang awards naman sina Billie Eilish (kasama na ang New Artist of the Year award), Carrie Underwood at Dan + Shay.

Ang big hit na “Señorita” ay nagwagi ng Collaboration of the Year award para kina Shawn Mendes at Camila Cabello.

 

185

Related posts

Leave a Comment