BONGBONG MARCOS NAMAHAGI NG RELIEF GOODS SA TAAL VICTIMS

BBM-2

NAGSAGAWA si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng relief operations sa iba’t ibang barangay ng bayan ng Tuy sa lalawigan ng Batangas nitong Huwebes ng umaga.

Kabilang sa tumanggap ng relief goods na ibinahagi ng dating senador ang 214 residente sa Luntal Elementary School sa Barangay Luntal; 230 residente sa Lumbangan-Talon Elementary School sa Brgy. Lumbangan.

Nakinabang din sa donasyong tulong ng dating senador ang 175 indibidwal sa Talon Barangay Hall sa Brgy. Talon, 184 residente sa Palincaro Barangay Hall sa Brgy. Palincaro/Malibu.

Ikinatuwa rin ng 306 residente ang pamimigay ng reliefs good ng dating senador sa Dao Barangay Hall sa nabanggit na barangay, at tumanggap din ng donasyon ang 378 residente sa Guinhawa Elementary School sa Brgy. Guinhawa.

Ang nasabing mga residente sa bayan ng Tuy sa nabanggit na lalawigan ay kabilang sa mga apektado ng pagsabog ng Bulkang Taal na hanggang ngayon ay nag-aalburoto pa rin.

263

Related posts

Leave a Comment