BRGY HEALTH WORKERS ‘NAAAPI’ NG BRGY OFFICIALS

bgy44

(NI BERNARD TAGUINOD)

BAGAMA’T umiiral na ang batas na nagbibigay proteksyon sa mga Barangay Health Workers (BHW), sinisibak pa rin ang mga ito ng mga barangay at mga local government unit (LGUs) anumang oras.

Ito ang isiniwalat ni BHW party-list Rep. Angelica Natasha Co matapos makatanggap ng reklamo umano sa mga BHWs na pinagtatanggal umano ng kanilang mga barangay at LGU officials na walang kadahi-dahilan.

“It is very unfortunate and appalling to hear that our barangay health workers and barangay health services are politicized rather than institutionalized,” pahayag ng lady solon.

Sinabi ng mambabatas na malinaw sa Republic Act (RA) 7883 o Barangay Health Workers’ Benefit and Incentives Act of 1995 na ginagarantiya ang proteksyon at kapakanan ng mga health workers sa mga barangay level upang masiguro na maideliber ang health service na kailangan ng mga tao.

Gayunpaman, nakalulungkot aniya na kahit walang dahilan ay tinatanggal umano ang mga ito ng mga barangay at mga LGU officials na nakakasakop sa kanila na paglabag umano sa nasabing batas.

Ang nakadidismaya pa umano, pinapalitan ang mga barangay health workers ng mga taong walang nalalaman sa pagbibigay ng medical service sa mga kanilang barangay.

Paglabag din umano ito sa nasabing batas na ang mga health workers sa mga barangay ay kailangang mayroong sapat na training, education at career enhancement upang magampanan ng mga ito ng maayos ang kanilang trabaho lalo na’t kalusugan ng taumbayan ang nakasalalay dito.

“The barangay health workers are the main stewards and front-liners in promoting and ensuring our community health program. If the primary health care at the community level fails, it would lead to greater and more serious health problems which would entail greater resources and expenses that common people even the government can hardly shoulder or afford,” ani Co.

Dahil dito, umapela ang mambabatas sa Department of Health (DOH) at Department of Interior and Local Government (DILG) na imbestigahan ang ginagawang ito ng mga barangay at LGU officials sa mga barangay health workers sa kanilang nasasakupan at ipatigil ang mga gawain nilang ito sa lalong madaling panahon.

504

Related posts

Leave a Comment