BROKERS IPINAAALIS NA NI DU30 SA CUSTOMS

(NI HARVEY PEREZ)

BILANG na ang araw ng pamamayagpag ng mga brokers sa Bureau of Customs (BOC).

Ito ay matapos sabihin  ni Pangulong Rodrigo Duterte na balak niyang tanggalin ang mga ‘brokers’ sa BOC na pinaniniwalaang ugat ng korupsiyon sa ahensiya.

Sinabi ng Pangulo na hindi na niya kayang sikmurain ang korupsiyon sa ahensiya minsan naiku konsidera niya ang pagreresign dahil sa korupsiyon.

“I don’t want brokers dealing with the Customs. If there are brokers, there  corruption there … If they really want to end corruption, let’s remove the brokers,” ayon kay Duterte.

“Take away the brokers and you would have cut corruption overnight. On a scale of 1 to 10, maybe you have reduced corruption to about eight, eight and one half,” dagdag pa ng Pangulo.

Ayon naman kay Assistant Customs Commissioner Vincent Philip Maronilla, may legal na basehan naman sa ilalim ng  Republic Act No. 10863, o ang  Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Sa ilalim ng Section 1200 ng CMTA inoobliga ang  finance secretary, matapos ang rekomendasyon ng  Customs commissioner,  na mag-isyu ng kaukulang rules and regulations para sa  registration ng customs brokers at ang  accreditation ng ibang customs service providers.

Nakikipagkordinasyon na umano si Maronilla sa  BOC para sa legal na basehan ng kautusan ni Duterte.

Mas gusto umano ni Duterte na balewalain na lamang ang mga Customs brokers kahit pa lisensiyado at professionals .

“You ignore the brokers. You, you go to a broker, I will not deal with you,” ayon pa kay Duterte.

157

Related posts

Leave a Comment