BuCor OFFICIALS SINABON SA SENADO

pinglacson12

(NI NOEL ABUEL)

SINABON nang husto ng mga senador ang mga opisyales ng Bureau of Corrections (Bucor) sa pagsisinungaling sa palpak at mali-maling operasyon nito sa ahensya dahilan upang mapalaya ang mga convicted heinous crimes criminals.

Sa ikatlong pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee at ng Committee on Justice and Human Rights, hindi pinalampas ni Senador Panfilo Lacson ang paikot-ikot na palusot ng mga opisyales ng Bucor sa implementasyon ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) law sa mga convicted inmates.

Partikular na hindi matanggap ni Lacson ang tugon ni C/Supt. Maria Fe Marquez, director of the BuCor Directorate for Reformation, hinggil sa tanong nito sa paglagda sa release papers ng tatlong akusado sa Chiong rape-slay case na sina Josman Aznar, Ariel Balansag at Alberto Caño.

Sa pagdinig, inamin ni Marquez na isang tauhan ng sinibak nang si dating Bucor director general Nicanor Faeldon ang nag-utos na lagdaan ang ilang release papers dahil sa wala si Faeldon sa opisina nito.

Ngunit inusisa ni Lacson kung bakit nagmamadali itong lagdaan ang release papers ng tatlong inmates sa kabila nang walang koordinasyon na nanggagaling sa korte o sa Department of Justice (DOJ).

“The more you talk, the more we suspect. What’s so special about 44 PDLs you have to stay behind and sign the documents on that particular day? Sagot mo baka ma-arbitrary detention which I countered na walang arbitrary detention,” pag-uusisa ni Lacson.

Sa kabilang banda, hindi rin pinalampas ni Senador Richard Gordon, chairman ng nasabing komite ang alibi ni Marquez na wala itong nalalaman na maraming inmates sa maximum security ang gumagamit ng cell phones.

“Cellphone ang una sa listahan ng mga kagamitang ipinagbabawal sa preso. Gayunpaman, napakarami nang preso ang nahulihan ng cellphone sa loob mismo ng kanilang selda. Hindi makapapasok ang cellphone kung walang nagpuslit,” giit ni Gordon.

 

179

Related posts

Leave a Comment