BUSINESS ESTABLISHMENTS OOBLIGAHIN SA CCTV

GAGAWA na ng batas ang Kamara para obligahin ang lahat ng negosyante na maglagay ng closed-circuit television (CCTV) sa loob at labas ng kanilang establisimyento bilang panlaban sa kriminalidad.

Sa pamamagitan ng (HB) 8068 o “CCTV Act of 2023” na inakda nina Davao City Rep. Paolo Duterte at Benguet Rep. Eric Yap, bukod sa magdadalawang-isip umano ang mga kriminal sa CCTV ay malaking tulong din ito sa imbestigasyon kapag nagkaroon ng krimen.

“We should use technology to our advantage to help keep our citizens safe. Installing CCTV cameras in strategic areas is an effective crime prevention measure, and can be a useful tool to help police investigators solve crime,” ayon sa panukala.

Partikular na establisimyento na dapat lagyan ng CCTV iyong may empleyado na hindi bababa sa 20 at may arawang transaksyon na P50,000.

Sakaling maging batas, magiging requirement na ang CCTV camera bago isyuhan ng business permit o permit to operate ang lahat ng commercial establishments, kasama na ang mga restaurant, hospitals, malls, mga sinehan, groceries, entertainment centers, office business at maging ang mga sabungan.

“These business establishments shall ensure that their surveillance/CCTV cameras are turned on and recording for twenty-four (24) hours each day and for 7 seven (days) each week. They shall keep a deposit of video recordings from their surveillance/CCTV cameras for a period of not less than sixty (60) days from the date of recording,” paliwanag pa sa panukala.

Kailangan din ipaalam sa mga tao na may CCTV sa lugar sa pamamagitan ng written notice na nakadisplay sa kanilang entrance subalit hindi ito maaaring gamitin laban sa isang tao maliban lamang kung kailangan ito ng mga imbestigador sa krimen na nangyari sa kanilang lugar.

Nakasaad din sa panukala ang parusang multa na P10,000 o kaya ay kulong na hindi bababa ng tatlong buwan sa may-ari o manager ng lalabag na establisimyento. (BERNARD TAGUINOD)

477

Related posts

Leave a Comment