(NI ABBY MENDOZA)
MATAPOS ibunyag ang panunuhol, dapat na kasuhan ng graft si dating National Youth Commission chair Ronald Cardema.
Ito ang iginiit ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate kung saan malinaw na panunuhol ang ginawa ni Cardema nang amininin nito na pumayag sya sa sinasabing pagbibigay ng P2 milyon kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon kapalit ng pabor na accreditation sa Duterte Youth Partylist.
It is a clear admission against his own interest, and, these corrupt acts were made while he was still the NYC chair. He should be charged with graft,” sabi pa nito.
Iginiit pa ng kongresista na kailangang mapatunayan ni Cardema ang alegasyon nitong mayroong emisaryong babaeng kongresista si Guanzon na ginamit para sa suhulan kung hindi umano ito mapatutunayan ni Cardema ay babalik ang akusasyon at masasabing gawa-gawa lamang ang alegasyon.
Sinabi pa ni Zarate na kung walang ebidensya si Cardema, mangangahulugan lang na gawa-gawa lang ang alegasyon para atakihin si Guanzon at kumuha ng simpatya ng publiko na siya ay biktima ng sarili naman nitong katiwalian.
“Cardema should also prove his allegation that Commissioner Guanzon has a congresswoman intermediary rather than just cast doubt on all women members of Congress. But more likely than not he is just making this up to attack Comm. Guanzon and project himself as a victim to gain public sympathy for his corrupted cause,”pagtatapos ni Zarate.
346