KONGRESO INGINUSO NI PANELO SA PAGLAYA NI SANCHEZ

CONGRESS SENATE1

(NI BETH JULIAN)

SA harap ng kaliwa’t kanang batikos sa inaasahang paglaya ng convicted rapist at murderer na si dating Calauan mayor Antonio Sanchez, ibinato ng Malacanang sa Kongreso ang pagpapaliwanag ng nilalaman ng Republic Act 10592.

Ang RA 10592 ay ang nakikitang daan ngayon para makalaya si Sanchez.

Ayon kay Panelo, sa Kongreso nalikha ang naturang batas kaya’t anumang concern tungkol sa revised penal code ay dapat na mai-address sa mga mambabatas.

Iniulat na si Sanchez na convicted rapist at murderer ay kabilang sa 11,000 preso na binigyan ng pagkakataong lumaya sa susunod na dalawang buwan dahil umano sa pagpapakita nito ng good behavior.

Noong May 29, 2013 nang lagdaan ni dating pangulong Noynoy Aquino ang Republic Act 10592 na nagbabawas ng 15 araw kada buwan sa kulungan ng isang inmate na nagpapakita ng magandang pag uugali.

86

Related posts

Leave a Comment