CARGO HILING IBIYAHE NA SA TREN NG PNR

pnr12

(NI CHRISTIAN DALE)

IPINANUKALA ng pamunuan ng Philippine National Railways (PNR) na ibiyahe ang mga cargo o container vans mula Norte hanggang Katimugan.

Ang panukala ay ibiyahe na sa pamamagitan ng tren ang mga cargo na karaniwang bumabaybay “by land.”

Ayon kay  PNR General Manager Junn Magno, aprubado na sa PNR board ang nasabing panukala na kung tutuusin ay magiging re-opening lamang.

Subalit, sa bagong alignment, ayon kay Magno, target na maging ruta ng mga ibabayaheng cargo ang North to South port.

Sinabi ni Magno na dati na aniyang may ganitong uri ng pagbibiyahe ng mga cargo mula 1998 hanggang 2004 ngunit mula Manila international Container terminal lamang o MICT sa pier sa Maynila hanggang Laguna.

Sa sandaling maaprubahan ang panukala, sinabi ni Magno na  tiyak na magkakaroon ng malaking kaluwagan sa trapiko dahil mababawas sa mga daan ang mga bumibiyaheng trak na may bitbit na container van.

 

90

Related posts

Leave a Comment