COMELEC COMMISH DISMAYADO SA TALAMAK NA VOTE BUYING

comelec commish12

(NI HARVEY PEREZ)

NAGPAHAYAG ng sobrang pagka dismaya   si Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon dahil sa pinakamalalang mga insidente ng vote buying na naganap nitong midterm elections na idinaos nitong Lunes.

Kasabay nito, naniniwala naman ang poll watchdog na Legal Network for Truthful Elections (Lente), na dapat na panagutin ang mga taong sangkot sa pamimili ng boto.

Sinabi ni Guanzon, sa eleksiyon na ito ang pinakamalalang vote buying incident na kanyang nakita dahil ang bilihan ng boto ay kada pamilya na.

“This is the worst vote buying –  they buy votes per family . This has corrupted our family value system and must be stopped!” ayon kay Guanzon sa kanyang official Twitter account.

Kaugnay nito,sinabi ng  Lente na   dapat na mapanagot ang mga taong sangkot sa pamimili ng boto.

“It must be ensured that cases must be filed and that they must lead to penal or criminal sanctions,” ayon sa Lente.
“It must be then affirmed that the right process under the law must be followed when it comes to the enforcement and arrest proceedings,” dagdag pa nito.

Matatandaan na sinabi ng Comelec na mababa ang insidente ng mga election-related violence na naitala nila ngayong midterm elections, ngunit aminadong mas maraming vote buying incidents ang naireport sa kanilang tanggapan.

Siniguro naman ng Comelec na paiimbestigahan nila ang mga naturang insidente at pananagutin ang mga taong sangkot dito.

Base sa itinatakda ng batas, ang sinumang mapatutunayang sangkot sa pamimili ng boto ay maaring mabilanggo ng mula isa hanggang anim na taon, maharap sa diskwalipikasyon sa paghawak ng anumang pwesto sa gobyerno at matatanggalan pa ng karapatang makaboto.

162

Related posts

Leave a Comment