(NI HARVEY PEREZ)
HUWAG na sanang maulit ang paglalahad sa publiko ni Pangulong Rodrigo Duterte ng ikalawang listahan ng umano’y mga narco-politicians.
Ito ang pakiusap ni Commission on Elections (Comelec) spokesperson James Jimenez sa dahilan na “unfair,” at nakasisira lang umano ng pangalan at nakaapekto sa pamilya ang pagsasapubliko ng 46 na suspected narco-politicians.
Sinabi pa ni Jimenez na magiging “trial by publicity” ang ginawa ng gobyerno kung hindi man lang kakasuhan ang mga binanggit na narco-politician.
Matatandaan na sinabi ng Comelec na mas mabuting kasuhan at magkaroon muna ng matibay na ebidensiya para idiin sa korte ang mga sinasabing narco-politicians .
Ilang politiko rin ang tahasang umalma matapos makasama ang kanilang pangalan sa listahan at may nag-akusa pa na binayaran umano ang Philippine National Police (PNP) para sirain ang kanilang pangalan.
155