COMELEC NAGHAHANDA SA KALAMIDAD SA ELEKSIYON

comelec

(Ni FRANCIS SORIANO)

DAHIL sa sunud-sunod na pagkakatala ng pagyanig sa bansa, ikinasa na ng Commission on Elections (Comelec) at mga katuwang sa halalan ang paghahanda sakaling may lindol o anumang sakuna sa panahon ng halalan.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, isinama na ng poll body ang paghahanda sakaling magkaroon ng   sakuna at pangunahin umano aniyang concern ng poll body ang kaayusan ng halalan at kaligtasan ng mga taong kalahok sa aktibidad.

Dahil dito ay  magtatalaga sila ng pasilidad at taong gagabay sa publiko kapag may mga biglaang pangyayari na makaaapekto sa kaligtasan ng mga botante.

278

Related posts

Leave a Comment