CONG. NOGRALES SA MGA BIKTIMA NG HAZING: KOOPERASYON O KULONG?

CONG NOGRALES-6.jpg

(Ni PAOLO SANTOS / Kuha ni EDD CASTRO)

HINIKAYAT ni Rizal 2nd District Rep. Juan Fidel Nograles ang mga biktima ng hazing na maki­pag-cooperate sa mga awtoridad upang mabig­yang hustisya ang kanilang sinapit.

Ito ang dahilan kaya nais amyendahan ng mambabatas ang Anti-Hazing Law upang mas mabigat na parusa ang maipataw sa mga sangkot at makasuhan ang mga kasabwat o willing victims ng hazing.

Sa media forum kahapon sa Quezon City, sinabi ni Rep. Nograles na sa ilalim ng Anti-Hazing Act 2019 o Republic Act 11053 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong June 29, 2018, sinasabing labag sa batas ang anumang klase ng initiation rights na maituturing na hazing.

Ginawa ni Nograles ang pag-amyenda sa naturang batas matapos ang sunud-sunod na insidente ng pagkamatay ng biktima ng ­hazing sa bansa.

Kabilang na rito ang pagkasawi ng isang kadete ng Philippine Military Aca­demy (PMA) at kilalang mga unibersidad.

“Doon po sa ating batas, dapat lahat ng fraternity at samahan ay kailangan namu-monitor ng kanilang mga paaralan at walang initiation rites na nagaganap sa kanilang samahan sa campus,” ani Nograles.

Nauna nang isinulong sa Kamara ang panukala na naglalayong maparusahan ang mga fraternity recruit na pumayag na sumailalim sa hazing.

Sa ilalim ng House Bill No. 5248 na inihain ni Rep. Nograles, nakasaad na dapat mabigyan din ng parusa ang sinumang papayag sa anumang paraan ng hazing.

Paliwanag nito, wala kasing magiging biktima ng hazing kung walang pumapayag na gawin ito sa kanila.

Sinabi pa ng mambabatas na marami ang nagta­tanong kung sapat pa ba ang pangil ng Anti-Hazing Act sa kasalukuyan.

Ani Nograles, sa ilalim ng batas, kapag nagkaroon ng pagkamatay, rape, so­domy, pagkaputol ng anumang bahagi ng katawan ng biktima ng hazing ay posible umanong patawan ng parusang reclusion perpetua o ­panghabambuhay na pagkakulong ang mga nagkasala. Bukod pa rito ang P3 milyong multa sa mga direktang sangkot sa ­hazing.

“Dapat ­makipagtulungan ang mga member na neophytes sa hazing upang maparusahan ang mga suspek,” dagdag pa ni Nograles.

Ang mental at psychological violence aniya ang isa sa mahirap na karahasan ng hazing.

158

Related posts

Leave a Comment