DAGDAG-BUWIS SA POGO, APRUB NA SA HOUSE PANEL

(NI ABBY MENDOZA)

MATAPOS ang dalawang pagdinig, inaprubahan na ng House Committee on Ways and Means ang panukalang karagdagang pagbubuwis sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Sa ilalim ng House Bill 5257 na iniakda ni Albay Rep. Joey Salceda, papatawan ng 5 porsyento ang franchise tax sa gross winnings ng POGO na lisensyado ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) habang 25 % withholding tax sa mga manggagawa sa POGO na ang minimum na kita ay nasa P600,000 kada taon.

Ayon kay Salceda, hamak na mas maganda ang POGO tax kumpara sa ASIN tax n isinusulong ng Department of Health(DOH) dahil hindi masasagasaan ang ordinaryong mamamayan kung ang operasyon ng POGO ang bubuwisan.

Nakasaad din sa panukala na ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang mag-i-isyu ng lisensya sa mga POGO hubs na nakaregister sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

Sa kasalukuyan ay P2.2 Billion lamang ang kinikita ng gobyerno kada taon mula sa mga POGO dahil sa regulatory fee na sinisingil ng PAGCOR ngunit kung maisasabatas ang panukala ay kikita ang gobyerno ng P20B sa loob ng isang taon dahil sa franchise tax at P24B naman kung makakasingil ng income tax.

Sa panukala ni Salceda ay direktang mapupunta sa BIR ang ibabayad na buwis sa operasyon ng POGO at hindi lamang sa PAGCOR.

Aminado si Salceda na sa kasalukuyang setup ay nakapaliit ng nakukuha ng gobyerno sa operasyon ng POGO, nabatid na noong 2017, P175 million lamang ang nokolekta ng BIR mula sa mga POGO, P579 million noong 2018, at mula nitong Enero hanggang Setyembre naman ay nasa P1.8 billion.

 

181

Related posts

Leave a Comment