DEATH PENALTY MULING ISUSULONG

deathpenalty1

(NI DAHLIA S. ANIN)

DAHIL sa karumal-dumal na pagpaslang sa isang 16-anyos na babaeng estudyante sa Cebu ay binubuhay na naman ng ilan ang death penalty.

Ayon sa Volunteers Against Crime and Corruption (VACC), kailangan nang ibalik ang parusang kamatayan laban sa mga kriminal na gumagawa ng karumal dumal na krimen.

Kinontra naman ito ni senatorial candidate Samira Gutoc dahil ayon sa kanya, mas dapat na bigyang-pansin kung saan nga o ano nga bang pinagmulan ng kriminalidad, imbes na isabatas ang death penalty.

Nais niyang malaman kung bakit hindi naproteksyunan ang dalaga laban dito, o kung nasaa ang  nagpapatrolyang pulis tuwing gabi dahil iyon ang isyu dito.

Matagal nang isinusulong ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabalik sa death penalty.

Nagpasa naman ang Kongreso ng nagbabalik sa death penalty ngunit kung ito ay sakop lamang sa krimeng may kaugnayan sa droga. Ang aksyo nito ay umabot na sa Senado ngunit marami sa miyembro nito ang hindi pumabor dito.

160

Related posts

Leave a Comment