PULIS DUMALO SA DRUG CASE HEARING, PINATAY SA KORTE

danao city12

(NI NICK ECHEVARRIA) PATAY ang isang pulis makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa loob ng korte, Huwebes ng umaga, habang sugatan  ang tatlong iba pa sa Danao City, Cebu. Nakilala ang biktimang  si SPO1 Francis Villamor, dating nakatalaga sa Provincial Intelligence Branch (PIB) ng Cebu Provincial Police Office bago nalipat  sa Autonomous Ragion in Muslim Mindanao (ARMM) noong 2016. Samantala, inaalam pa ang pagkakailanlan ng tatlong nasugatan sa pamamaril matapos mahagip ng ligaw na bala, Isinugod ang mga ito sa Danao City District Hospital. Nabatid sa paunang imbestigasyon…

Read More

DEATH PENALTY MULING ISUSULONG

deathpenalty1

(NI DAHLIA S. ANIN) DAHIL sa karumal-dumal na pagpaslang sa isang 16-anyos na babaeng estudyante sa Cebu ay binubuhay na naman ng ilan ang death penalty. Ayon sa Volunteers Against Crime and Corruption (VACC), kailangan nang ibalik ang parusang kamatayan laban sa mga kriminal na gumagawa ng karumal dumal na krimen. Kinontra naman ito ni senatorial candidate Samira Gutoc dahil ayon sa kanya, mas dapat na bigyang-pansin kung saan nga o ano nga bang pinagmulan ng kriminalidad, imbes na isabatas ang death penalty. Nais niyang malaman kung bakit hindi naproteksyunan…

Read More

P30-M ‘SHABU’ NASAMSAM SA CEBU

cebu city

UMAABOT sa P30 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpisa sa isang lalaki sa buy-bust operation sa C. Padilla St., Barangay Duljo-Fatima, Cebu City, Biyernes ng gabi. Nahuli rin ng mga tauhan ng Mambaling Police Station ang isang lalaki na siyang target ng operasyon. Bumili umano ang poseur-buyer ng shabu sa suspect nang dambahin ito ng awtoridad. Nang inspeksiyonin ang dalang bag nito, nakita ang iba pang pakete ng shabu na may kabuuang halaga ng P30 milyon. Sinabi ni Duljo-Fatima Barangay Councilor Milo Arenas, wala umano sa listahan ng kanilang…

Read More

FAELDON NAPIKON; PRIBILEHIYO NG MGA PRESO INALIS

faeldon1

DISMAYADO si Bureau of Corrections (BuCor) chief Director General Nicanor Faeldon sa kawalan ng kooperasyon ng mga sinasabing ‘pinuno’ ng mga preso sa pananatili ng kaayusan sa bilibid dahilan para suspendihin nito ang lahat ng pribilehiyo ng mahigit sa 45,000 inmates sa buong bansa. Ito ay matapos matuklasang patuloy ang drug transactions sa loob ng piitan partikular sa New Bilibid Prisons. Sinabi ni Faeldon na kabilang ang pagbisita at recreational activities gaya ng paglalaro ng basketball ang hindi na ipinatutupad sa piitan. Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na nagpalabas ng…

Read More

HIGIT LIBO BINIGYAN NG CASH GRANT SA CEBU

d30grant

(NI LILIBETH JULIAN) PINANGUNAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pamamahagi ng cash grant sa mga benepisaryo ng Unconditional Cash Transfer sa Cebu City nitong Linggo. May kabuuang 1,531 beneficiaries ang nabiyayaan ng cash grant na ginanap sa Cebu Technological University. Sa talumpati ng Pangulo, sinabi nito na tinutugunan ng gobyerno ang mga pangangailangan ng mga Pilipino partikular na ang libreng edukasyon; health care at social assistance. Dito ay hinimok pa ng Pangulo ang mga empleado ng gobyerno na patuloy na pagsilbihan ang mga mamamayan sa bansa nang may dedikasyon, katapatan,…

Read More