DEPED KINASTIGO SA ‘PAGLILINIS SA KALAT’ NG MGA MARCOS

KINASTIGO ni Alliance of Concerned Teachers (ACT) party-list Rep. France Castro ang plano ng Department of Education (DepEd) na pinamumunuan ni Vice President Sara Duterte na tanggalin ang pangalang “Marcos” sa diktaduryang Marcos sa mga libro.

Ayon sa mambabatas, isa na naman itong pagtatangka ng Marcos-Duterte administration na linisin ang pangalan ng diktador na si Ferdinand Marcos Sr., sa pinaka madilim na kasaysayan ng bansa noong dekada 70.

“The decision to remove “Marcos” from the term ‘Diktadurang Marcos’ is a clear revision of history and an insult to the countless victims of human rights abuses and atrocities committed during the martial law period,” ani Castro.

Layon din umano ng nasabing plano ng DepEd na burahin sa kasaysayan ang mga krimen ng ama ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., hindi lamang sa panahon ng Martial Law kundi sa buong termino nito sa bansa mula 1965 hanggang 1986.

Bukod sa iniinsulto din umano ni Duterte ang mga biktima ng martial law ay paglabag din aniya sa Republic Act (RA) 10368 o Marcos Human Rights Victims Reparation and Recognition Act of 2013 na tanggalin ang pangalang Marcos sa mga katagang ‘diktador”.

“As a former teacher, I firmly believe that it is our duty to teach the truth to the younger generation. By removing ‘Marcos’ from the term, we are denying students the opportunity to fully understand the historical context and the impact of martial law on our nation. This decision is a disservice to their education and a disservice to the pursuit of historical truth,” paliwanag pa ni Castro.

Hindi aniya dahil anak ng dating diktador ang Pangulo ay kailangang burahin ang pangalan nito sa textbooks na naglalarawan sa kanya bilang diktador dahil hindi kathang-isip ang mga pagmamalupit ng rehimeng Marcos Sr. (BERNARD TAGUINOD)

293

Related posts

Leave a Comment