DFA SA OFWs: LUMAHOK, BUMOTO SA MAY ELECTIONS

ofw12

(NI DAVE MEDINA)

HINIYAKAT ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa iba’t ibang panig ng mundo na makilahok at bumoto nitong midterm elections.

Sa inilabas na paalaala ng DFA, ang overseas voting para sa 2019 midterm elections ay magaganap sa April 13 hanggang May 13, 2019.

Ang kampanya ng DFA kasama ang Comelec para sa Overseas Voting ay may temang “Patibayin ang Ating Demokrasya, Ating Karapatan at Katungkulan”
Para sa mga OFWs na nasa iba’t ibang panig ng mundo, maaring bumisita sa pinakamalapit na embahada, konsulada, misyon o MECO upang makakuha ng iba pang impormasyon at para sa iba pang katanungan.

239

Related posts

Leave a Comment