SUSUSPENDIHIN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na nag-uutos sa mas malaking license plate sa harap at likod ng mga motorsiklo.
Nilagdaan noong nakaraang buwan ng Pangulo ang Motorcyle Crime Prevention Act na iniakda ni Senador Richard Gordon na naglalayong maiwasan ang krimen sa pagkakaroon ng malaking plaka para mas madaling mabasa sa malayo.
Gayunman, libong motorcycle riders ang kumontra sa batas sa pangambang makasagabal ito sa pagmamaneho o posibleng matanggal kapag mabilis ang takbo ng motorsiklo.
Sinabi ng Pangulo na makikipagpulong siya kay Gordon at sa Land Transportation Office (LTO).
“I will try to convince the LTO to maybe hang onto it, i-suspend ko lang muna, kasi it is not good. It is dangerous to place another gadget, lalo na may kanto ang plate number eh,” sabi ni Duterte sa 25th annual convention of the National Federation of the Motorcycle Clubs of the Philippines (NFMCP) sa Iloilo City.
“Lakihan na lang ninyo ang plate number sa likod by one-fourth para makita talaga yung number. Ang importante talaga yung sa likod.”
Sinabi ni Duterte na nilagdaan niya ang batas base sa komendasyon ng pulis at militar.
“Alam mo kasi bakit pinirmahan ko, ang pulis tao ko yan, ang military tao ko, anong irekomenda nila, I will adopt it. Basta maglagay lang ng rationale,” he said.
256