NANINIWALA si Senador Sherwin Gatchalian na kasalanan ng Department of Energy (DOE) at Department of Finance (DOF) kung bakit hanggang ngayong Enero ay mataas ang babayarang kuryente ng bawat pamilyang Filipino.
Tinumbok ni Gatchalian, pinuno ng Senate Committee on Energy, ang “Murang Kuryente Act” ay dapat nagsimula ang epekto simula Disyembre sa nakalipas na taon “if only an IRR had been issued [by] the Department of Energy (DOE) and the Department of Finance (DOF) [on] November 27 last year or 90 days after the effectivity of the law.”
Ang IRR o implementing rules and regulation ay rekisito bago ipatupad ang isang batas.
Sa ilalim ng Murang Kuryente Act kung saan isa si Gatchalian sa mga may akda ay malaki ang maibabawas sa babayaran ng bawat pamilya sa mga distribyutor ng kuryente sa bawat bahay sapagkat tatanggalin na ang paniningil sa “National Power Corporation’s (NPC) stranded debts and costs.
Kapag naipatupad ang nasabing batas, makatitipid ng P172 bawat buwan o P2,064 bawat taon ang pamilyang kumukonsumo ng 200 kWh kada buwan, patuloy ng senador.
“The more that we are delaying the issuance of the IRR, the more we are denying Filipinos of having cheaper electricity. This is a total disservice to our constituents,” patuloy ni Gatchalian. (NELSON S. BADILLA)
114