DoT TINIYAK NA WALANG LUMOT SA BORACAY

(NI ABBY MENDOZA)

TINIYAK ng  Department of Tourism (DoT) na wala nang lumot na makikita sa Boracay taliwas sa kumalat na video sa social media na nagpapakita na may mga lumot sa dalampasigan.

Ayon kay Tourism Secretary Berna Romulo-Puyat sa kanilang monitoring sa isla ay walang lumot sa dalampasigan partikular sa Station 1 kung saan sinasabing kinunan ang kumalat na video footage.

Ani Puyat, mula nang buksan ang Boracay noong nakaraang taon matapos ang anim na buwang rehabilitasyon ay wala pa silang lumot na nakita kaya maaaring matagal nang footage ang nasa video na kumalat at bago pa man ang pagsasara noong nakaraang taon ng Boracay.

Sa panig ng Department of Environment and Natural.Resources(DENR), sinabi nito na karaniwan na ang paglabas ng lumot kapag panahon ng tag init subalit dahil patuloy pa rin ang paglilinis sa dalampasigan ay natatanggal ang mga lumot,sa ngayon umano ay wala pa silang nakikitang makakapal na lumot.

 

 

115

Related posts

Leave a Comment