DSWD AALALAY SA OFWs

OFWs-13

(Ni BERNARD TAGUINOD)

Dahil sa iba’t ibang problema na kinakaharap ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa iba’t ibang bansa, magdedeploy ng mga social worker ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga bansang kinaroroonan ng mga ito upang umalalay sa kanila.

Nakalusot na sa ikalawang pagbasa ang House Bill 8042 na inakda ni Deputy Speaker Linabelle Ruth Villarica para amyendahan ang Republic Act No. 8042, o mas kilala sa tawag na “Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995” upang dagdag pa ang tulong na ibibigay sa mga tinaguriang bagong bayani.

Sa ilalim ng nasabing panukala, magtatatag ang gobyerno ng Office for Social Welfare Attaché sa ilalim ng DSWD para makapagdeploy ang ahensya ng mga social welfare attaché sa mga bansa kung saan maraming Filipino ang nagtatrabaho.

Sa ngayon, bukod sa Embahada ng Pilipinas ay mayroong Philippine Overseas Labor Office (POLO) na umaalalay sa OFWs sa iba’t panig ng mundo subalit nakukulangan ang mga mambabatas sa mga tulong na ibinibigay sa mga bagong bayani.

“Social Welfare Attache shall manage cases of OFWs and other overseas Filipinos in distress needing psychological services, such as victims of trafficking or illegal recruitment, rape or sexual abuse, maltreatment and other forms of physical or mental abuse, and cases of abandoned or neglected children,” ayon sa panukala.

Maliban dito, ang social welfare attaché din ang tatanggap ng mga katanungan at reklamo ng mga OFW at maging ang kanilang mga kaanak at makikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para agad na matulungan ang mga problemang manggagawa.

“Additionally, the Social Welfare Attache shall also establish and maintain a data bank and documentation of OFWs and their families so that appropriate social welfare services can be more effectively provided; provide information about the DSWD and its attached agencies and services; and perform other related function in the delivery of social services as may be directed by the head of the diplomatic post in the area of assignment,” ayon pa sa panukala.

194

Related posts

Leave a Comment