(NI BETH JULIAN)
AMINADO si Pangulong Rodrigo Duterte na malayo ang Pilipinas sa tinatamasang kaunlanran ng bansang China.
Ito ang bahagi ng talumpati ng Pangulo sa dinaluhan itong miting de avance, kung saan diretsahang sinabi nito na bilib siya sa work ethics ng mga Chinese at sa maunlad na ekonomiya ng China.
“Tignan ninyo ang China, malayo pa natin kumpara sa progress nila. Tignan niyo magtrabaho ang mga Tsino. Lumilipad nga ang mga plato sa bilis because ang work ethics nila, kapag trabaho, trabaho talaga. ‘Yan ang advantage nila,” wika ng Pangulo.
Idinagdag pa ng Pangulo na kahit pa may bagyo ay hindi tumitigil ang China sa pagkilos kahit na kumikidlat kumpara sa mga Fiilipino na ambon pa lamang ay kaikangan na umiwas dahil baka dapuan ng pneumonia.
Naging bahagi ito ng talumpati ng Pangulo sa gitna na rin ng kinukuwestyong umano’y pagdami ng Chinese workers sa bansa.
Base sa ulat ng Agence France-Presse noong Marso, sinasabing nasa 200,000 ang Chinese na nasa Pilipinas para magtrabaho simula nang maupo sa pwesto si Duterte.
165