(NI BETH JULIAN)
“UNTIL now you have not proven anything except to sequester and sell. Hindi ka maniniwala.”
Ito ang tugon ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa akusasyon na may nakaw na yaman si dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Inihayag ng Pangulo sa talumpati nito sa League of Municipalities of the Philippines, sinabi nitong hangga’t hindi napatutunayan ay nananatili itong duda sa akusasyong may nakaw na yaman na nagkakahalaga ng $10 bilyon si Marcos.
Napag alaman na naungkat ang isyu sa nakaw na yaman ng mga Marcos matapos nitong muling idepensa ang kanyang desisyon na ilibing sa Libingan ng mga Bayani ang dating Pangulo sa kabila ng maraming pagkontra rito.
Matatandaan na taong 2017 ay nagsabi umano ang Pangulo na handa ang pamilya Marcos na magsauli ng bahagi ng kanilang ill gotten wealth nguint kailangan pa ang pag apruba rito ng Kongreso para sa posibleng immunity ng pamilya Marcos sakaling ibalik nila ang kanilang umano’y nakaw na yaman.
213