(NI BETH JULIAN)
INAMIN ni Pangulong Rodrigo Duterte na pinangangalagaan niya ang kapakanan ng mga OFW kaya hndi niya maaway ang China.
Binigyan diin ng Pangulo na nasa 400,000 mahigit na Pinoy workers ngayon ang nasa China.
Ayon sa Pangulo, pala-away siyang tao pero sa mga bansang alam niyang maraming mga Filipino ay nagtitimpi siya.
Sinisikap umano niya na maging kalmado para hindi maapektuhan ang kalagayan ng mga Pinoy OFW.
Matatandaan na matindi ang paghamon ng mga kritiko ng Pangulo na labanan o giyerahin ang China dahil sa isyu ng pag-aagawan sa karagatan na bahagi ng West Philippine Sea.
Isa rin sa paghahamon sa Pangulo na labanan ang China matapos ang insidente ng pagbangga sa pangisdang bangka ng 22 Pinoy ng Chinese vessel sa Recto Bank noong Hunyo 9.
263