(NI BETH JULIAN)
BINIGYANG-HALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang diwa ng sakripisyo sa pagsunod at pagpapakumbaba tulad ng Banal na Koran.
Ito ang mensahe ng Pangulo bilang pagpapakita ng pakikiisa sa mga kapatid na Muslim sa pag-obserba sa panahon ng Ramadan na nagsimula ng Mayo 6.
Umaasa ang Pangulo na ang panahon na ito ng Ramadan ay magsisilbi ring pagkakataon para makahingi ng pagpapatawad sa lahat ng mga kasalanang nagawa, kasabay ng pagpapasalamat para naman sa mga biyayang natanggap sa mga nagdaang panahon.
Tiniyak din ni Pangulong Duterte na patuloy na nagsisikap ang kanyang administrasyon upang mapag-isa ang mga Filipino kahit pa may kanya-kanyang paniniwala, tradisyon at paninindigang politikal at relihiyon.
Hinimok ni Pangulong Duterte ang mga kapatid na Muslim na makibahagi sa “social and moral transformation” ng bansa sa pagdiriwang ng Ramadan
“Together, let us create the change that we have been aspiring for— the social and moral transformation that is real and meaningful and the lasting progress that will uplift the lives of our fellow kababayan,” bahagi ng mensahe ng Pangulo.
Sa panahon ng Ramadan, ang fasting at pagdarasal ay isinasagawa nang taimtim hanggang sa kanilang pagkain ng agahan.
Kinokonsidera ng mga Muslim ang Ramadan bilang ”commandment to cleanse themselves from sin through fasting and abstinence from sex during the whole ninth month of the Islamic calendar,” ni Allah.
“Let this also be a solemn opportunity to ask God’s forgiveness for the sins we have committed and to be thankful for all the blessings we have received in the past year. I trust that you will offer sincere prayers for peace, solidarity and understanding among our people and all of humanity,” pahayag ng Pangulo.
Hangad din ng Pangulo sa mga Muslim Filipinos na gawing “inspiring” at “blessed” Ramadan.
Ang Ramadan ay tatagal ng isang buwan kung saan isinasagawa ng mga Muslim sa buong mundo ang pag-aayuno.
227