(NI BERNARD TAGUINOD)
HINDI papayag ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na sa piling lugar lang ipatutupad ang Universal Health Care (UHC) Law dahil kailangan ito ng mga mahihirap na pasyente sa buong bansa.
Ginawa ni Albay Rep. Joey Salceda matapos aminin ni Health Secretary Francisco Duque na hindi ipatututupad ang UHC law sa buong bansa dahil sa kakulangan umano ng pondo.
“That cop out is morally unacceptable,” ani Salceda na chairman ng House committee on ways and means dahil mahalaga ang nasabing batas sa mga mahihirap na pasyente.
“It should be called the ‘Partial Healthcare law’ instead of Universal Healthcare law,” ayon pa kay Salceda dahil wala aniya sa batas na sa piling lugar lang ito ipapatupad at hindi sa buong bansa.
Unang sinabi ni Duque na kailangan ang P257 Billion para mapondohan ang nasabing batas subalit binigyan lamang umano sila ng Department of Budget and Management (DBM) ng 166.5 Billion sa susunod na taon para iimplementa ang nasabing batas.
Hindi ito matanggap ni Salceda dahil hindi umano sinabi ng batas na ilan lang ang puwedeng makinabang dito at sa halip ay ginawa umano ito para mapagsilbihan lahat.
“It should be rolled out nationally since there are many things beyond budget DOH can do,” ayon pa sa kongresista.
Sa ilalim ng UHC law, kahit ang indirect members ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) ay makakakuha ng health benefits habang ang mga regular members ay mayroon mga dagdag na insentibo.
187