(Ni FRANCIS SORIANO)
MALAKING halaga ngayon ang nawawalang kita ng mga may- ari ng electronic billboard matapos tablahin at pagbawalan ng Commission on Election (Comelec) ang mga kandidato sa paggamit ng mga naglalakihang electronic billboard sa mga gusali at pati sa mga sasakyan.
Ayon kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon, pinaalalahanan ang mga kandidato na dapat munang maghain ng petisyon sa kanilang opisina ang mga kandidato sa paggamit ng mga electronic billboard.
Bunsod nito ay ipinatatangal na ng komisyon ang lahat ng campaign materials sa mga electronic billboard ng mga kandidato, sa ikatlong araw matapos na makatanggap notifications mula sa tanggapan ng Comelec .
122