EKONOMIYA MAS MALAGO SA LAST QUARTER NG 2018

lago

MAS malago ang ekonomiya ng bansa sa huling tatlong buwan ng 2018 o fourth quarter (Q4), ayon sa gross domestic product (GDP) ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ang GDP ay ang basehan ng lahat ng mga produktong nagawa at serbisyong naibigay sa bansa sa loob ng itinakdang panahon. Ayon sa datos, bumalik sa 6.1 porsiyento ang paglago ng ekonomiya ng bansa mula Oktubre hanggang Disyembre na bahagyang mas mataas sa anim na porsiyentong paglago noong Hunyo hanggang Setyembre 2018.

Sinasabing ang magandang pagsulong ng ekonomiya ay dahil sa Build, Build, Build program ng gobyerno. Hindi naman masyadong sumulong ang manufacturing growth sa 3.2 porsiyento mula 7.9 sa parehong panahon noong 2017.

Umaabot naman sa 1.8 porsiyento ng paglago sa agricultural output sa huling tatlong buwan ng 2018 at ito ay mas mabagal sa 2.3 porsiyentong paglago sa parehong panahon noong 2017.

235

Related posts

Leave a Comment