KINASUHAN na ng graft at administrative charges ng National Bureau of Investigation (NBI) si dating Customs commissioner Isidro Lapena dahil sa pagkakasangkot umano nito sa shabu smuggling gamit ang magnetic lifters na nadiskubre sa Maynila at Cavite noong nakaraang taon.
Pinangalanan ng NBI si Lapena sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, at grave misconduct na isinampa sa Department of Justice, Huwebes ng hapon.
Sinabi ng NBI na si Lapena na may kapangyarihan sa Customs ng mga panahong iyon ay nabigong kasuhan ang mga consignee at shippers ng magnetic lifters na nadiskubre sa Manila International Container Port (MICP) at General Mariano Alvarez, Cavite noong August 2018.
Ang dalawang magnetic lifters na nakita sa MICP ay naglalaman umano ng 355 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P2.4 bilyon. Ang mga lifters ay idineklarang naglalaman ng mga door frames.
Gayong walang laman ang lifters, ang apat na lifters na nadiskubre sa Cavite ay sinasabing mayroong 1,618 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P11 bilyon.
Ang reklamo ng NBI ay unang pagkakataon na idinawit si Lapena sa anim na magnetic lifters. Ang unang dalawang inihain ay isinampa ng Philippine Drug Enforcement Agency last year ngunit hindi umano isinangkot si Lapena.
164