EMBAHADA NAKAMONITOR SA PINOY SA SRI LANKA

srilanka12

(NI ROSE PULGAR)

NANATILING nakamonitor ang Philippine Embassy sa Sri Lanka sa sitwasyon ng mga Filipino doon kasunod ng mga naganap na pagsabog sa mga hotel at simbahan kung saan pumalo na umano sa 207 ang naitalang nasawi habang umabot sa 450 naman ang sugatan.

Kaugnay nito, nitong Lunes ay nagpaabot na ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng pakikiramay sa pamilya ng mga nasawi sa pambobomba sa mga simbahan at mga hotel sa Sri Lanka sa araw mismo ng Linggo ng Pagkabuhay.

Ayon kay Ambassador to Bangladesh Vicente Vivencio Bandillo nakikipag-ugnayan na ang Philippine Embassy sa Dhaka at kinontak na ng Philippine Honorary Consul sa Colombo Hugh Sriyal Dissanayake, kung saan may mga Filipino community sa lugar.

Ang mga sunud-sunod na pagsabog ay naganap sa tatlong simbahan sa St. Sebastian’s Church sa Negombo, 20 miles mula sa North  Colombo. St. Anthony’s Shrine sa Colombo at Zion Church sa eastern city of Batticaloa habang ginaganap ang Easter Sunday service.

Habang tatlo din ang naganap na pagsabog sa mga hotel sa Colombo kabilang ang Shangri-La, Cinnamon Grand at ang Kingsbury.

Base sa report ng Community leaders doon, wala pang pinoy na napaulat na kasama sa mga nasawi at nasaktan sa naganap na pagsabog.

Samantala, inihahanda na ng embahada ang kinakailangan ng mga miyembro ng Filipino community na apektado ng mga nangyaring pagsabog.

Sa ngayon ay wala pang inilabas na update ang Embahada at DFA kaugnay sa pambobomba sa magkahiwalay na lugar sa nasabing bansa.

 

 

87

Related posts

Leave a Comment