EMERGENCY POWERS SA BUILD,BUILD,BUILD NAIS IBIGAY KAY DU30

duterte12

(NI ABBY MENDOZA)

ISANG panukala na naglalayong mabigyan ng emergency powers si Pangulong Rodrigo Duterte para mapabilis ang Build, Build, Build program ang ihahain sa Kamara ni Albay Rep. Joey Salceda.

Ayon kay Salceda, makatutulong ang pagkakaroon ng special powers para mapabilis ang pagpapatupad ng mga infrastracture projects ng administrasyon.

“The emergency powers will allow the President to remove roadblocks to projects, such as right of way issues”pahayag ni Salceda kung saan aminado ito na nababagalan sya sa implementasyon ng Build Build Build gayunpaman maaga pa bago masabi kung papalpak ito gaya ng nauna nang pahayag ni Senador Franklin Drilon.

Giit ni Salceda, kung may special powers ang Pangulo ay mas matitiyak na magtatagumpay ang Build, Build, Build Program.

“Economic growth will pick up and the Philippines’ international competitiveness will improve once the “Build, Build, Build” moves faster”paliwanag pa ni Salceda.

Sinabi ni Salceda na sa 54 lamang sa kabuuang 75 na proyekto ang inirerekomenda niyang mabigyan ang Pangulong Duterte ng special powers kabilang dito ang proyekto ng Sangley Airport, Unified Grand Central Station, LRT 2 West Extension, Bicol International Airport, Metro Cebu Expressway project at iba pa.

 

86

Related posts

Leave a Comment