WORLD-RATED KARATEKA, LALARO SA PH TEAM

(NI DENNIS PRINCIPE)

MAS lalong gumanda ang tsansa ng Pilipinas na makamit ang ginto sa karate hindi lamang sa darating na Southeast Asian Games kungdi maging sa 2020 Tokyo Olympics.

Kasama na ngayon ng Philippine team ang 25-year-old na si Joane Orbon, ipinanganak sa California buhat sa mga magulang na tubong Ilocos at Bicol.

Ayon kay Karate Pilipinas Sports Foundation Inc. president Ricky Lim, halos plantsado na ang paglipat ni Orbon sa Philippine team matapos ang ilang taon na pagiging miyembro nito ng United States federation.

Bago ang paglipat ni Orbon sa Pilipinas, napatawan ito ng suspension ng United States Anti-Doping Agency (USADA) matapos makitaan ng contamination ang isa sa mga ininom nito sa isang event noong February.

Ngunit imbes na ang standard na 2-4 years na suspension, binigyan lamang si Orbon ng nine-month ban dahil sa posibilidad na hindi sadya o questionable ang nasabing contamination.

Malaking tulong din kay Orbon na suportado ng World Karate Federation (WKF) ang paglipat nito sa Philippine federation.

“I got a go signal from WKF that after her suspension, her transfer to the Philippines is recognized and legit,” ani Lim. “November 13 free na siya so kahit may questions, backed up by papers from WKF.”

Umabot ng hanggang world No. 7 ang ratings ni Orbon sa 61kg class ngunit unti-unti itong bumaba dahil sa injury at epekto ng suspension.

Sa ngayon masasabing fully-healed na si Orbon at handa nang sumabak sa mga international events dala-dala ang bandila ng Pilipinas, pinakamalapit dito ay ang SEA Games.

“This is my homeland and giving back to the culture given to me as a person, I really have nothing much to gain with this switch in federation other that the pride of representing the Philippines,” pahayag ni Orbon.

227

Related posts

Leave a Comment