EPAL BAWAL SA GRAD RITES

graduation 1

(NI HARVEY PEREZ)

HINIMOK ng Commission on Elections (Comelec) ,ang  mga ahensiya ng gobyerno at mga pampublikong paaralan na huwag mag-imbita ng mga kandidato tatakbo sa nalalapit na mid term elections sa Mayo 13.

Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na sa kabila ng wala naman probisyon na nagbabawal sa mga kandidato na imbitahan para magsalita sa mga aktibidad at graduation, mas mainam na huwag na silang imbitahin para maiwasan na maakusahan na ang isang ahensiya o paaralan ng pagiging partisan.

Kasabay nito, hinikayat ng Comelec at ng  Presidential Anti-Corruption Commission,ang publiko na isumbong ang sinumang kandidato na gumagamit ng government resources para sa kanilang kampanya.

Una nang pinagalanan ng Comelec ang mga kandidato na may mga nakalagay pang iligal na campaign ads sa kabila na tapos na ang ibinigay na grace period noong Pebrero 14.

Kabilang sa listahan ang mga administration candidates Freddie Aguilar, Sonny Angara, Pia Cayetano, JV Ejercito, Jinggoy Estrada, Zajid Mangudadatu, Koko Pimentel, Francis Tolentino at Cynthia Villar. Gayundin, ang opposition candidates  na Sina Gary Alejano, Bam Aquino, Chel Diokno, Florin Hilbay, Romy Macalintal at Lorenzo Tañada. Nasa listahan din sina Raffy Alunan, Nancy Binay, Glenn Chong, Neri Colmenares, Larry Gadon, Conrado Generoso, Lito Lapid, Sonny Matula, Allan Montaño, Serge Osmeña, Grace Poe, Ibrahim Albani, Richard Alfajora, Ernesto Arellano, Marcelino Arias, Bernard Austria, Edmundo Casiño, Leborio Jangao, Rodolfo Javellana, Emily Mallillin, Faisal Mangundatu, Luther Meniano, Willie Ong, Danilo Roleda at Antonio Valdes.

Ilan naman sa mga pinangalanan kandidato ang umalma sa ginawang pagpapangalan sa kanila ng Comelec.

 

154

Related posts

Leave a Comment