EPEKTO NG PAGGAMIT NG PLASTIC IPATUTURO SA ISKUL 

plastic12

(NI BERNARD TAGUINOD)

IMINUNGKAHI ni House committee on environment and natural resources chair Elpidio Barzaga Jr., sa Department of Education (DepEd) na ituro sa mga estudyante ang masamang epekto ng paggamit ng plastic.

Ginawa ni Barzaga ang pahayag kasunod ng plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na tuluyang ipagbawal ang paggamit ng plastic sa bansa upang mapangalagaan ang kapaligiran at kalikasan.

“The Department of Education should start teaching in the elementary and high school level kung ano ang kahalagahan ng hindi paggamit ng plastic,” ani Barzaga sa isang panayam.

Naniniwala ang mambabatas na malaki ang maitutulong ng DepEd sa kampanya para iligtas nang tuluyan ang karagatan na unti-unti na umanong napupuno ng plastic na pumapatay sa mga lamang dagat.

“According to the environmentalist In the 25 years, mas marami ang plastic kaysa sa isa sa buong mundo,” ani Barzaga kaya dapat aniyang kumilos na ang Pilipinas lalo na’t ang Pilipinas ang pangatlo umano sa mga bansa sa mundo na ang ginagamit na plastic ay napupunta sa dagat.

Kabilang sa dapat ituro umano sa mga estudyante na ang plastic ay hindi nabubulok sa loob ng 1,000 taon kaya kapag pumunta ito sa karagatan at kapag kinain ng mga isda ay namamatay ang mga ito.

Ang kemikal din anya ng mga plastic sa karagatan na napupunta na sa mga isda ay nagiging dahilan ng iba’t ibang sakit kapag kinain ito ng mga tao kaya dapat aniyang turuan na ang mga bata laban sa paggamit ng plastic.

439

Related posts

Leave a Comment