(NI MINA DIAZ)
KASONG diskuwalipikasyon at pagkansela ng accreditation bilang party-list ang iniharap ni PDP-Laban Visayas Vice President at dating Eastern Samar Governor Lutgardo Barbo laban kay incumbent Eastern Samar Rep. at Eastern Samar gubernatorial candidate Ben Evardone at An Waray party-list dahil sa umanoy paglabag sa Omnibus Election Code (OEC).
Nagsampa ng 10- pahinang petisyon sa Commission on Elections (Comelec) sa Intramuros, Manila si Barbo kasama si Tingog party-list Alexis Yu na nag-aakusa kay Evardone at An Waray na lumabag sa election-related offenses dahil sa pagdalo sa graduation ng senior high school sa Eastern Samar State University (ESSU) – Guiuan campus noong Abril 2. Ang asawa ni Evardone, na si Grace Evardone, ang ikalawang kandidato ng partylist ng An Waray.
Sa kabila ng mga naunang alituntunin na nagbabawal sa mga kandidato na inanyayahan sa mga seremonya ng graduation, pinayagan si Evardone na magpakita ng video ng kanyang mga nagawa habang namamahagi umano ng mga diploma.
Ayon kay Barbo, isang abogado at dating secretary-general ng Senado, ang ginawa ng Evardone at An Waray sa panahon ng naturang okasyon ay isang “disgraceful and repulsive act which sends a twisted concept of moral values to the graduating students who are still in their tender age.”
“We filed this case because the future of our country is at stake here. These so-called leaders don’t deserve to be elected because not only they are morally bankrupt, but they are also brazen in violating the election laws even in the presence of the students and faculty members. My conscience will not allow this,” ani Barbo na dating presidente ng Philippine Normal University.
Sinabi ng mga petitioner na nakakuha sila ng sapat na ebidensiya at testimonya mula sa iba’t ibang mga saksi sa ESSU-Guiuan campus na siyang nag-udyok sa kanila upang magsampa ng kaso.
Sa petisyon, sinabi ni Barbo na si Evardone ay lumabag sa sections 104 at 261 (a) ng Omnibus Election Code nang ipamahagi niya ang mga puting sobre, na may nakalagay na pangalang Evardone at An Waray party-list, na naglalaman ng P200 sa mga estudyante pagkatapos ng graduation rites. Nangyari ang nasabing pamamahagi nang sabihan ni Zenaida Lacdo-o, principal ng eskuwelahan upang tipunin ang kanilang mga estudyante para sa pamamahagi ng nasabing mga sobre.
306