Expulsion sa PFP ipinagkibit-balikat KATAPATAN SA PILIPINO HIGIT KAYSA PARTIDO – ATTY. VIC RODRIGUEZ

“MY loyalty to the party ends where my loyalty to my country begins.”

Ito ang tugon ni former Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez kaugnay ng isinapublikong resolusyon ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) sa pagpapatalsik sa kanya bilang miyembro at PFP executive vice-president.

Ayon kay Rodriguez, hindi kabawasan sa kanyang pagkatao at pagiging Pilipino ang naturang partido – “Wala naman sa akin iyon. Hindi naman kawalan.”

“It’s an internal matter that should have been resolved internally. Kaya lang, eh ginamit nila iyong naging desisyon nila at instead na ako ang bigyan ng kopya, binigyan ang media. Anong layunin?

Hiyain lamang ako. Hindi na ako papayag,” ayon sa abogado de kampanilyang nagsilbi ring tagapagsalita sa mahabang panahon ng ngayon ay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Para kay Rodriguez, walang saysay ang paandar ng PFP.

“Hindi ko maintindihan bakit iyong simpleng reorganization ng isang kaliit-liit na partido, eh kinakailangan pang ipadala ng kopya sa media. Magbabago ba ang presyo ng asukal kahapon at ngayong araw pag nag-reorganize ang partidong iyan? Hindi naman,” dagdag pa niya.

Paniwala ng dating tagapagsalita ni Marcos Jr., hangad lamang umanong pagtakpan ng PFP ang bahid ng ilang pinunong kanyang tinabla kaugnay ng kahilingan na sila’y ipwesto sa mga sensitibong tanggapan ng gobyerno – kabilang ang Commission on Elections (Comelec), Commission on Audit (COA) at Civil Service Commission (CSC).

Paliwanag pa ng abogado, hindi wastong pagbigyan ang nais ng ilang opisyal ng PFP lalo pa’t hindi naman aniya kwalipikado sa puntiryang pwesto ang nais iluklok sa pwesto.

“Kaya sinasabi nila na disloyal ako. Okay lang naman sa akin iyon. I’m happy being disloyal. I’d rather be faithful and loyal… to the 31.6 million Filipinos who voted for President Bongbong Marcos rather than pagbigyan ang kapritso ng isang partido o ng iilang mga opisyal nito,” hirit pa ni Rodriguez.

“I could not, in conscience, during my time as executive secretary, let a non-qualified applicant be appointed to the administration of PBBM simply because he or she is a member of PFP,” diin pa ni Rodriguez.

Araw ng Martes nang ilabas ng PFP ang isang pahayag hinggil sa pagpapatalsik sa dating Executive Secretary ng Pangulo.

“Rodriguez was expelled from the PFP for his incompetence as a public servant, conduct inimical to the interests of the party, abuse and breach of trust and confidence reposed on him by the President and the party, abandonment and disloyalty,” saad ng kalatas ng PFP.

334

Related posts

Leave a Comment