(Ni FRANCIS SORIANO)
PORMAL nang inatasan ngayon ng Supreme Court (SC) ang en banc upang makipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para makakuha ng pangalan ng umano’y mga nasa narco-judges na sangkot sa iligal na droga.
Ayon sa pahayag ni Associate Justice Diosdado Peralta, ang hakbang na ito ang magbibigay-daan sa isasagawang fact finding at administrative investigation ng Korte Suprema laban sa 13 narco-judges at binigyan-diin ng SC na hindi nila kukunsintihin ang iligal at corrupt activities sa kanilang hanay.
Ito’y matapos na isapubliko ang matrix ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kinasasakungtan ng 10 judges at 13 prosecutor na sinasabing sangkot sa iligal na droga.
Matatandang na bago pa man ang pormal na anunsuyo ng SC ay hiniling na nila sa pamunuan ng PDEA, sa pamumuno ni Director General Aaron Aquino, na pangalanan na ang mga sangkot upang sila mismo ay magsagawa ng imbestigasyon.
Samantala, nauna nang inalmahan ng pamunuan ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pagbasa sa mga ulat, dahil hindi pagpo-protekta sa drug suspects ang mga insidente ng pagkakabasura sa drug cases ng ilang prosecutors, judges at mga abogado sapagkat na dismiss ito sa kadahilanan insufficiency of evidence.
Pero nanindigan si Philipine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino na sapat ang kanilang basehan para isapubliko.
Maging si Justice Secretary Menardo Guevarra ay nagbigay din pahayag na may sapat na basehan ang PDEA sa ulat nito
155