FAELDON ‘NAGSISINUNGALING’

faeldon1

(Ni DANG SAMSON-GARCIA)

KUMBINSIDO si Senador Panfilo “Ping” Lacson na nagsisinungaling lamang si Bureau of Corrections Director General Nicanor Faeldon sa usapin hinggil sa muntik nang maagang paglaya ni dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez.

“Obviously he (Faeldon) is lying or he was lying yesterday, he is lying today. Yun lang ang conclusion. There is no logical conclusion except that he is not telling the truth,” saad ni Lacson matapos ang kanyang pagtatanong kay Faeldon sa pagpapatuloy ng pagdinig hinggil sa implementasyon ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.

Sa pagdinig, ilang beses na tinanong ni Lacson si Faeldon hinggil sa kanyang opinyon kung kwalipikado si Sanchez sa GCTA Law bago nito nilagdaan ang memorandum for release order nito noong August 20.

“No. never in my opinion that he is entitled,” paninindigan ni Faeldon.

“Sabi ninyo hindi siya entitled bakit nyo pinirmahan ang release order,” sagot naman ni Lacson na tinugunan ng paliwanag ni Faeldon na agad niyang ni-recall ang order ilang oras matapos niya itong pirmahan kasabay ng muling paninindigan na hindi nangangahulugan ng pagpapalaya ang memo sa halip ay simula pa lamang ng proseso.

Ipinakita naman ni Lacson ang diagram ng proseso ng pag-release alinsunod sa GCTA Law na nagtatapos sa paglagda ng Bucor Director sa memo at susundan na lamang ng ministerial order para sa tuluyang pagpapalabas sa preso.

Sa gitna ng paninindigan ni Faeldon na siya na rin mismo ang nag-recall ng memorandum, ipinasalaysay ni Lacson kay Senador Bong Go ang naging atas ni Pangulong Rodrigo Duterte upang pigilan ang pagpapalabas kay Sanchez.

Kinumpirma ni Go na sa direktiba ni Pangulong Duterte ay tinawagan nya si Faeldon upang ipatigil ang pagrelease kay Sanchez na positibo anyang sinagot ng Bucor Director.

“One point when he replied to you, I will comply, ano pong implication? Wala pa syang ginagawa,” saad ni Lacson.

“Hindi po kasi kung meron syang ginawa na as he mentioned nung Aug 20 he already recalled even without the order from teh President or the higher authority dapat ang sagot sa inyo naturally syempre magmamagaling din ako kung ako, hindi po Sir ginawa ko na yan,” dugtong pa ni Lacson.

“So to the credit of the President, sya ang nag-utos to stop and nobody should grab credit from the President,” diin pa nito.

218

Related posts

Leave a Comment