FARMERS ‘DI TALO SA RICE TARIFF LAW – DTI     

rice

(NI LILIBETH JULIAN)

WALANG ang mga magsasaka sa Rice Tariffication Act na katatapos lamang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang nilinaw ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez bilang tugon sa mga naglabasang reklamo na hindi maganda ang epekto nito sa mga lokal na magsasaka sa bansa.

Dito, sinabi ni Lopez na  walang mangyayaring pagkalugi para sa mga magsasaka ang pagsasabatas ng RTA dahil tutulungan ang mga ito na makipagsabayan sa mga importer ng bigas.

Sinabi ni Lopez na bukod sa mga punla at pataba ay pagkakalooban din ng mga makabagong kagamitan ang mga magsasaka para mapalago ang kanilang ani.

“Hindi naman po sila pababayaan, tutulungan din sila para makasabay, bumaba ang cost, tumaas ang kanilang productivity. Tutulungan sila sa pondo, sa fertilizer, sa irrigation sa tubig, sa financing nila at sa iba pang mechanism para may mga equipment sila para makalaban sila at dumami ang supply,” paglilinaw ni Lopez.

Idinagdag pa ng kalihim na malaki ang maitutulong ng bagong batas para mapunan ang kakulangan ng suplay ng bigas sa bansa.

Sa ilalim ng RTA, kahit sino ay maaaring mag-angkat ng bigas basta’t magbabayad ang mga ito ng 35 percent na taripa.

Binigyan-diin din ng kalihim na hindi sasadsad ang presyo ng bigas dahil sa RTA.

Tiniyak ni Lopez na babaha ang bigas pero hindi sa puntong malulugi ang mga magsasaka at importer.

Una nang naglabasan ang iba’t ibang reaksyon matapos maging ganap na batas na ang RTA na sinassbing tiyak na ang pagkalugi ng mga magsasaka.

“Hindi mangyayari yung sobra sobrang pagbaba ng presyo dahil malulugi naman ang nag import kasi kapag nangyari yan ay titigil naman sila mag import kaya ang mangyayari ay dapat magbalanse na,” ayon pa kay Lopez.

 

 

158

Related posts

Leave a Comment