(NI CHRISTIAN DALE)
HINDI magdadalawang-isip si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na bigyan ng Filipino citizenship ang mga Rohingya refugees.
Sa naging talumpati ni Pangulong Duterte sa idinaos na 2019 General Assembly ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) sa Manila Hotel sa Lungsod ng Maynila, sinabi ni Duterte na prayoridad niya na mabigyan ang talagang walang mapuntahan.
Humingi naman ng paumanhin si Duterte sa de facto leader ng Myanmar na si Aung San Suu Kyi dahil sa pahayag nitong nagaganap na genocide.
Aniya, sinag-ayunan lamang niya ang ilang mga bansa sa Europa na nag-akusa kay Aung.
Matatandaang, mahigit 300,000 mga Rohingya, isang Muslim ethnic minority group, ang lumikas sa Myanmar dahil sa isinasagawang military crackdown mula pa noong Agosto 2017.
235