LINE-UP NG ‘IDOL PHILIPPINES,’ KUMPLETO NA

reg1

shumo-showbiz copy(NI JONATHAN ANG)

INIHAYAG na ang apat na uupong judges sa “Search for the Idol Philippines” matapos ang naganap na interview at pictorial nilang apat ilang araw lang ang nakakaraan.

Makakasama ni Asia’s Songbird Regine Velasquez sa pagdya-judge sina actor-singer-TV host Vice Ganda, singer-actor James Reid, at “hugot” singer-composer Moira dela Torre. Si Billy Crawford naman ang magsisilbing host.

Bukod sa pagiging hurado, gusto raw ni Regine na maging mentor din sa contestants. “I wanna be honest because I want them to improve,” lahad ng Asia’s Songbird.

Kumusta naman ang maging judge?

“Mahirap, kasi when you say ‘no’ to a contestant, it’s like you’re ruining their dreams,” ‘ika ni Regine.

Hindi naman naitago ni Moira ang kaniyang pagkasabik: “Sobrang excited po ako kasi as a person coming from a singing contest also, I can empathize.” Una siyang nakilala sa The Voice Philippines.

Para naman kay James Reid, isang karangalan ang mapabilang sa judging panel: “I was the last to know, actually. I was shocked. I’m honored to be in a panel like this.”

Coming soon this 2019 ang Search for the Idol Philippines sa Kapamilya Network.

THE BEST SINGERS NG ABS-CBN AND GMA-7, AYON KAY DULCE

Kabilang si Dulce sa mga invited guests sa book launch ng Doc Rob’s Guide to Better Health and Wellness sa mismong clinic ni Dr. Rob Walcher sa Tomas Morato, Quezon City, kamakailan. Dito namin siya natanong tungkol sa contemporary singers ng bansa. Sino ang singers na may distinct voice?

“Bituin Escalante has a unique voice,” sagot ni Dulce. “Si Bituin kasi ang maririnig mo na iba. Well, Rachel Alejandro. Kasi nga distinctive ang boses nila.”

dulceNa-mention ni Dulce ang Popstar Princess na si Sarah Geronimo na kakaiba rin sa lahat.

“Si Sarah Geronimo kasi merong mga nagga-guide… She’s blessed to have people around her na nari-rearrange ‘yung some things that’s happening in her life towards a better direction.”

Eh, ang kapwa niya Bisaya na si Morissette Amon?

“Ay, magaling si Morissette, Visayan ‘yan, e… Meron pa siyang ibibigay, napakagaling niya, alien ata, hahaha! Grabe nakakatakot.”

Si  Julie Anne San Jose na isang GMA artist?

“Iba rin ang quality ng boses ni Julie Anne San Jose… Maganda siya for recording.”

Hindi niya na raw isasama sa special mention si Regine Velasquez dahil institusyon na ito.

Kumusta naman ang mga male singers?

“Jed Madela, monster namang kumanta ‘yun… Si Erik Santos naman nakita ko siya talaga kung paano siya nag-develop through the years dahil napakasipag na tao.”

Dagdag pa niya: “Christian Bautista has the quality na talagang para kang… Alam mo ‘yung kiligan, saka ‘yung soothing na voice, ‘yung simply confident singing na walang ere.”

 

6

Related posts

Leave a Comment